Militar at PNP, nakasagupa ang NPA sa Laguna; isang miyembro ng komunistang grupo, patay

479

Laguna – Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army matapos na makasagupa ang tropa ng militar at pulisya sa Sitio Pinamintian, Brgy. San Buenaventura, Luisiana, Laguna kaninang umaga.

Ayon kay 2nd infantry division Spokesperson Captain Jay Patrick Retumban, alas-10:00 ng umaga kanina nang magkasagupa ang tropa ng pamahalaan at NPA.


Nakubkob rin ng militar ang kampo ng NPA at narekober ang bangkay ng NPA, dalawang magazine o M16, tatlong bag ng IED detonator na may wires 10 fixed tents 1 cellular phone.

Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga nakasagupang NPA.
Nagsagawa na rin sila ng blocking operation para maharang ang mga ito.

Facebook Comments

From Advertisers