Militar nagpapasalamat sa suporta ng BIAF sa Martial Law

Nakatakdang iturn over ngayong araw ng militar ang mga matataas na kalibre ng baril na kanilang naharang alas sais kagabi sa Brgy. Mileb Sultan sa Baronggis, mula sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.
Kinabibilangan ito ng 18 M16, 5 M14 at saing M203.
Sa panayam ng DXMY ngayong umaga kay 6th ID DPAO Chief Army Cpt. Arvin Encinas sinasabing sakay ng Bongo Truck ang 24 na mga BIAF Forces na mga myembro ng 106th Base Command na pinapangunahan ni Orly Gampung ng parahin sa checkpoint ng mga elemento ng 40th IB .
Maayos namang nagpakilala ang mga sakay ng Truck at sinasabing kabilang sila sa mga mag aayos at magpapahupa ng nangyayaring tension sa kalapit bayan.
Matapos ang koordinasyon sa mga higher officials ng militar, pnp, milf at CCCH ay agad ring pinatuloy ng army ang mga sakay ng truck ngunit pansamantalang ipinaubaya ang pangangalaga ng kanilang mga dalang armas sa militar.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 6th ID sa tiwala at suporta ng BIAF MILF kasabay ng ipinapairal na Martial Law sa Mindanao.
Matatandaang maliban sa mga otoridad kasama rin sa pagpapanatili ng katiwasayan ang MILF sa buong Mindanao.

Facebook Comments