Militar sa Marawi, nanatiling nakaalerto

Marawi City – Nilinaw ng Malacañang na ang pag-pull out ng militar sa Marawi ay hindi nangangahulugang tapos na ang giyera sa lungsod.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – bagamat mahina na ang pwersa ng mga terorista matapos mapatay ang kanilang mga lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute ay nananatiling nakaalerto ang militar.

Binigyang diin ng Palasyo na hindi magpapakampante ang pamahalaan lalo’t may mga banta pa rin mula sa mga sumusuporta sa Maute Group.


Tiniyak ng kalihim na babantayan ng pamahalaan ang seguridad ng Marawi hanggang sa rehabilitasyon at pagbangon ng lungsod.

Facebook Comments