MILYONG HALAGA NG INFRASTRUCTURE PROJECTS SA MANAOAG, INILATAG

Positibo ang lokal na pamahalaan ng Manaoag sa progresong maidudulot ng mga nakalinyang proyekto para sa sektor ng agrikultura, turismo at kalusugan ngayong termino.

Sa ginanap na pagpupulong ng Municipal Planning and Development office. inilatag ng ehekutibo ang mga nakalinyang proyekto sa bayan katuwang ang mga barangay council.

Isa sa tututukan ay ang pagpapabuti sa serbisyo publiko at milyong halaga ng infrastructure projects tulad ng P20M pondo para sa rehabilitasyon ng Rizal Park, P14M pondo para sa konstruksyon ng Pasalubong Center sa tabi ng Basilica, pagpapatayo ng Command Center, Animal Bite Center, pagbili ng bagong fire trucks at iba pa.

Nanindigan din ang opisyal na maglalaan ng pondo para sa farm to market roads sa mga barangay upang matulungan ang mga magsasaka.

Iginiit ng tanggapan ang kahalagahan ng koordinasyon sa bawat sangay ng gobyerno upang maisakatuparan ang mga proyekto para sa kaunlaran ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments