MINALIIT | Kasong isasampa ni Pulong Duterte, walang kwenta para kay Senator Trillanes

67

Manila, Philippines – Walang kwenta para kay Senator Antonio Trillanes IV ang panibagong kasong isasampa laban sa kanya ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.

Diin ni Trillanes, ang hakbang ni Pulong ay nagpapatunay ng kaduwagan ng Duterte administration at pagsira sa sistema ng hustisya sa bansa para gamitin laban sa oposisyon.

Pagtiyak ni Trillanes, hindi sya matatakot sa anumang balak gawin ng kampo ng mga Duterte.

Ayon kay Trillanes, sa pagdinig ng Senado ay malinaw na nakapagpresenta sya ng mga ebidensyang magpapatunay na may kinalaman umano si Paolo Duterte sa pagpuslit ng 6.4 billion pesos na shabu sa Bureau of Customs.

Kasama aniya sa magpapatunay ng alegasyon niya laban kay pulong ang mga testimonya ng customs brokers na si Mark Taguba.

Facebook Comments