Minamanehong sports car ni Daniel Padilla, nabangga ng tricycle driver; Actor, umani ng papuri sa netizens

236

Nabangga ng isang tricyle ang minamanehong sports car ni Daniel Padilla sa may West Fairview, Quezon City kahapon ng hapon.


Pero imbes na magalit ang 25-year-old actor, siya pa raw ang nagbigay ng pera sa tricycle driver.

Sa facebook post ng mga netizen, makikita ang video na mahinahong nakikipag-usap ang aktor sa tricycle driver na nakabangga sa kaniyang sasakyan.

Bunsod nito, umani ng mga papuri mula sa mga netizen ang aktor na sinasabing “best guy” ang kanilang idol.

Agad din nag-trending sa Twitter ang pangalan ng aktor na “Daniel Ford” na puro papuri ang bumuhos.

Sa tweet naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, sinabi nito na ok si DJ at kaunting gasgas lang ang tinamo ng kaniyang sasakyan kaya everybody happy, no problem at tuloy ang buhay.

Facebook Comments