Mindoro, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

38

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang isla ng Mindoro, Lunes ng madaling araw.

Sa datos mula sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyaning alas-2:16 ng madaling araw sa 31 kilometro timog silangan ng bayan ng Looc, Occidental Mindoro.

Naitala ang Intensity IV sa Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, at Sablayan, Occidental Mindoro, maging sa Tagaytay City.

Intensity II sa Makati, Quezon City, Mandaluyong, Malabon, Muntinlupa, at Pasig.

Asahan ang aftershocks.

Facebook Comments