Minor de edad ginahasa ng mga kainuman

General Santos City—Dumulog sa tanggapan ng Police Station 6 ang isang minor de edad at ang mga magulang nito matapos itong ginahasa ng kanyang nakainuman sa Purok 3, Rajah Muda, Barangay Bula, Gensan.

Ang biktima ay itatago lang sa pangalang Alias Jenny, 17, residenti ng Barangay West, Gensan.

Batay sa Spot report ng Police Station 6, hindi nakauwi ang biktima sa kanilang bahay kaya hinanap ito ng kanyang mga magulang sa bahay nga mga kabarkada nito.


Doon sya natagpuan sa bahay ng isang Alias Jhon, 19, na residenti ng Purok 3, rajah Muda, Bula na hubot hubad at tulog na tulog dahil sa sobrang kalasingan.

Kwento ng biktima na Nakipag-inuman umano ito sa kanyang mga kabarkada alas 11:00 kagabi.

Pero nilasing sya ng nilasing ng mga suspek at doon na ginahasa, wala syang magawa dahil sa kalasingan. Hindi naman tumbok ng biktima kung ilan ang gumahasa sa kanya dahil syay lasing na lasing.

Hindi naman naabotan ng pulisya ang mga suspek sa lugar kaya nagpasya ang magulang ng biktima na sasampahan ng kaso ang salarin.

Facebook Comments