Minority Leader Benny Abante, handang ibigay ang posisyon kay dating Speaker Alan Peter Cayetano

400

Nagpahayag ng kahandaan si Minority Leader Benny Abante na ibigay ang kanyang posisyon kay dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Abante, malugod nilang tatanggapin sa minorya si Cayetano sakali mang gustuhin nitong lumipat sa kanila.

Sinabi pa ni Abante na handa rin niyang ibigay ang Minority Leader position sakaling hingiin sa kanya ng Taguig-Pateros solon.

Gayunman, duda pa ang Kongresista kung may balak na lumipat ng bloc ang dating Speaker dahil nagmula na ito sa pinakamataas na pwesto.

Sa ngayon aniya ay wala pa namang malaking pagbabago na magaganap sa opposition group ng Kamara dahil abala pa sila sa national budget.

Nasa mga myembro rin ng Minority kung maghahalal ulit ng bagong minority leader alinsunod na rin sa House rules.

Mayroon namang 25 miyembro ang minorya sa Kamara ngunit ayon kay Abante, posible silang mabawasan at madagdagan matapos na magalaw ang ilang posisyon ngayon sa Kapulungan.




Facebook Comments