Dumalo ang daan-daang mga mananampalataya ng Simbahang Katoliko sa idinaos na misa para sa namayapang si Pope Francis.
Pinangunahan ito ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Sumentro ang kanyang mensahe sa naging buhay ni Pope Francis at kung paano ito magsisilbing inspirasyon sa mga mananampalataya.
Aniya, sa kabila ng pagiging mahina, at pagkakaroon ng sakit ng Santo Papa, hindi siya natakot na ipakita ito sa mundo dahilan ang ehemplo ng kanyang mananampalataya na kumikilala sa kapangyarihan at lakas ng Poong Maykapal.
Binigyang-diin din nito ang misyon ng lahat ay hindi para magpasaya, bagamat ang ipabalita ang pag-asa na nagmumula lamang sa Diyos.
Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay, pagmamahal, panalangin ang ilang mga Pangasinense sa kanilang pag-alala sa naging buhay ng Santo Papa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨