Misamis Oriental, naging host sa pagbisita ng mga kandidata sa Miss Philippines Earth 2017

13

Misamis Oriental, Philippines – Naging host ang Misamis Oriental sa tatlong araw na pagbisita ng labinlimang kandidata ng Miss Philippines Earth 2017.

Dumating sa probinsya ang mga kandidata kahapon at bukas naman ang alis nila.

Ayon kay Misamis Oriental Governor Bambi Emano, gusto nitong i-promote hindi lamang ang probinsya ng Misamis Oriental lalo na’t nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

Ngayong araw, pupuntahan ng mga kandidata ang iba’t-ibang tourism site ng Misamis Oriental at depende na sa kanila kung sa anung paraan nila ito maaaring i-promote.

Facebook Comments