Misis ni John Regala, sinagot ang mga bashers

685

Nagsalita na ang asawa ng dating aktor na si John Regala matapos makatanggap ng ilang paratang na iniwan niya ang aktor dahil sa pera.

Paglilinaw ni Vicky Scheerer, hindi niya iniwan si John dahil sa pera o sa sakit nito na liver cirrhosis.


Aniya, naging matigas na kasi ang ulo ng aktor kaya niya ito iniwan.

Nagpupumilit pa nga raw si John na lumabas ng bahay kahit na may iniinda itong sakit.

Sa ngayon, inilipat na si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City para sumailalim sa iba pang medical tests.

Facebook Comments