Misis patay sa pananaga ni Mister sa Lebak Sultan Kudarat

Patay sa pananaga gamit ang bolo ng isang mister ang kanyang sariling misis sa Purok Molave, Brgy. Aurelio Perez Sr., sa Lebak, Sultan Kudarat pasado alas tres ng hapon kahapon.
Sa report mula PNP, kinilala ang biktima na si Daisy Digan Villar na isang dating OFW at ang suspek naman na si Pancho Villar Jr. 52, driver
Sa inisyal na report mula kay Chief of Police Major Randy Eliarda , maaring matinding selos, personal na galit at iligal na droga ang mga anggulong kanilang tinitingnan kaugnay sa brutal na pagpatay ng suspek sa kanyang misis.
Nagkaroon pa aniya ng matinding negosasyon bago tuluyang napasuko ang suspek kahapon.
Sinasabing nauna na ring naaresto ang suspek dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Kasalukuyang himas rehas na sa lock up cell ang suspek habang di naman ngayon alam ng apat nilang mga anak kung papano magsisimula matapos ang insidenteng kinasangkutan ng kanilang mga magulang.

Facebook Comments