Miss Grand International 1st runner up Samantha Bernardo, sasali nga ba Miss Universe Philippines?

55

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila balak na pagsali ni Miss Grand International 1st runner up Samantha Bernardo sa Miss Universe Philippines.

Sa Instagram account ng beauty queen, makikita ang isang post kung saan ini-repost nito ang isang page na “All Things Pageant that asked: at may nakasulat na The first runner up of Miss Grand International next heading towards Miss Universe Philippines?”


Nabatid na bago pa ito, una nang nagwagi si Samantha sa Miss Grand International pageant na ginanap noong March 27 sa Thailand.

Si Samantha ay isa sa top 10 best in national costume at top 5 sa most popular.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon si Samantha tungkol sa pagsali nito sa Miss Universe.

Facebook Comments