Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, inaming wala pa sa isipan ang pagpapakasal

56

Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na wala pa sa kanyang isipan ang pagpapakasal.

Paliwanag ng 31-year old na beauty queen, masyado pa raw hilaw ang relasyon nila ng businessman na si Jeremy Jauncey para itulak ang anumang tungkol sa kasal.


Hindi rin daw siya nakakaramdam ng inis sa mga taong nagtatanong kung kailan niya balak lumagay sa tahimik.

Aniya, sinisiguro muna nilang plantsado ang lahat ng bagay bago pasukin ang ibang level ng kanilang relasyon.

Samantala, pag-amin din ni Pia, na sa future ay nais nila ni Jeremy na magkaroon ng isang malaking pamilya.

Facebook Comments