Miss Universe 2017 beauty queens, nakisaya kasama ang mga bata na kumain sa isang sikat na fast food chain

27

Showbiz – Nakisaya kahapon ang Miss Universe 2017 beauty queens sa isang kilalang fast food chain sa may Macapagal Blvd. kasama ang ilang mga bata mula kanlungan sa Er-Ma Ministry.
Naging “excited” din ang mga dalaga sa pagtikim sa menu ng kainan kung saan magkakasama sa isang mesa sina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe Philippines Rachel Peters.
Kahit na hindi natuloy ang courtesy call ng mga binibini kay Pangulong Rodrigo Duterte, masaya pa din sila sa naging experience at matapos nito ay nagtungo sila sa Pasay City para sa charity ball na inorganisa ng isang health ang beauty company mula sa Pilipinas, bilang pangunahing sponsor ng tour.
Ngayong araw ay tutungo ang mga beauty queens sa kani-kaniyang tourist destinations tulad ng Batanes, Bohol at Camiguin.

Facebook Comments