Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters, bibisita sa Pilipinas

Opisyal nang inanunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) ang pagbisita ni Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters dito sa bansa.
Kasama rin nito ang Top 16 finalists ng pageant at si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere. Ang Deparment of Tourism ang nagbigay ng imbitasyon upang makibahagi sila sa Women of Significance Gala Night at Miss Universe Fashion Show na inorganisa mismo ng DOT.
Ayon sa MUO, sabik na ang mga beauty queens na makapunta sa bansa at maranasan ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga pinoy.
Wala pang nabanggit na petsa kung kailan bibisita ang mga beauty queen.

Facebook Comments