Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters dumating na sa bansa

15

Dumating na kahapon sina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa Pilipinas matapos itong imbitahan ng Department of Tourism na bumisita.
Kasama nila ang iba pang kandidata ng Miss Universe na nakapasok sa Top 16 tulad nina Miss Canada, Miss Singapore, Miss China, Miss Italy at Miss Spain.
Kabilang rin si Miss Philippines Rachel Peters na maglilibot sa bansa lalo na sa probinsya ng Camiguin
Una na nilang nilibot ang Rizal Park at Intramuros sa Maynila.

Facebook Comments