Miss Universe Franchise sa Pilipinas, hahawakan na ng grupo ni Miss Universe 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup

478

Pangangasiwaan na ng Miss Universe Philippines Organization ang Miss Universe Franchise sa Pilipinas.

Ito ay hiwalay na grupo sa Binibining Pilipinas Charities (inc.).


Pangungunahan ang bagong organisasyon ni Miss Universe 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup bilang National Director.

Makakasama naman ni Supsup si Albert Andrada bilang Design Council Head, Jonas Gaffud Bilang Creative Director, Lia Ramos Bilang Head of Women Empowerment Committee and Charity, Atty. Nad bronce bilang head of Legal Affairs, at Mario Garcia bilang Business Development/Marketing Head.

Isasagawa naman ang kauna-unahang Press Conference ng bagong Miss Universe Philippines Organization sa pamamagitan ng live feed sa Facebook at Instagram accounts sa Biyernes, December 13.

Facebook Comments