Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, sinagip sa pagkakalunod ang isang lalaki

100

Walang alinlangang sinagip ni dating Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters sa isang lalaking nalulunod sa dagat sa Siruma, Camarines Sur.

Sa instagram post ng kanyang boyfriend na si Camarines Sur Governor Miguel Villafuerte, proud nitong sinabi na hindi nagdalawang isip ang former beauty queen na suungin ang matataas na alon para lamang sagipin ang lalaki.

Nabatid na nagsisimula pa lamang mag-aral ng surfing ang nalunod na lalaki habang si Rachel naman ay isang avid surfer.


Biro pa ng Gobernador, papayagan na niyang magpunta sa Siargao Island ang kanyang fiance bilang ito ang tinaguriang Surfing Capital of the Philippines.

Facebook Comments