MISSION 2017 NG RMN ILIGAN DINAGSA NG MGA ILIGANON

ILIGAN – Dinagsa ng mga iliganon ang ginawang Mission 2017 o angannual na outreach program ng RMN Iligan kahapon.
  Maraming iliganon ang nakabenipisyo sa mga libreng serbisyona ibinigay ng ating himpilan gaya ng libreng check up at gamot, libreng purga,bloodletting, blood typing at sugar, feeding, free haircut at masahe.
  Alas singko pa lang nang umaga ay nakapila na ang mgailiganon para sa nasabing programa.
  Umuwing nakangiti at may galak sa kanilang mga mukha bitbitang gamot at bitamina yoong natapos na ma-check-up at nakatanggap sa serbisyomula sa ginawang mission 2017 ng rmn iligan.
  Ginawa ito ng ating himpilan bilang pasasalamat sa lahat ngmga iliganon na tumangkilik at ginawang number 1 ang ating himpilan mula noonhanggang ngayon.
Pasasalamat rin ito sa boong rmn station sa ika-anim napotlimang anibersaryo nito ngayong araw.(GHINERL. CABANDAY, RMN ILIGAN)

Facebook Comments