Mission Slim Possible Challenge, pinangunahan ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Sa kabila nang nangyayari pa ring gulo sa Marawi City, pinangunahan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang PNP Mission Slim Possible Challenge na isinagawa sa Grandstand ng Camp Crame.

Ang Mission Slim Possible Challenge ng PNP ay ang pagsasagwa ng 4 minute workout araw-araw sa loob ng anim na buwan sa layong makapagbawas ng 500 thousand pounds na calories sa bawat miyembro ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, ang aktibidad na ito ay may kinalaman sa kanilang physical fitness program at may kay kaugnayan din sa kanilang internal cleansing program.


Kung saan hindi lamang aniya morally, spiritually sa halip dapat physically fit ang lahat ng pulis upang mas magampanan ng maayos ang kanilang trabaho.

Wala naman daw kaakibat na parusa ang hindi magiging slim pagkatapos ng anim na buwan.

Ang nais lamang daw ng PNP ay mag-focus ang kanyang mga kabaro sa kung papaano maging malusog.

Mas maigi raw na makaiwas sa sakit na diabetes highblood at iba pang karamdaman ang mga pulis sa pamamagitan ng pagwo-workout katulad nito.
DZXL558

Facebook Comments