MISSIONARY VISA | Visa ni Sister Fox, hanggang ngayong araw na lang

Manila, Philippines – Wala pang desisyon ang DOJ sa apela ni Australian missionary Sister Patricia Anne Fox kaugnay ng deportation order laban sa kanya.

Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra, hindi nila agad madedesisyunan ang mosyon ni Sister Fox na humihiling na mabaliktad ang desisyon ng Bureau of Immigration.

Hanggang Ngayong araw na lang ang bisa ng missionary visa ng Australian missionary.


Ayon naman kay Immigration spokesperson Dana Sandoval , maari namang maghain si Sister Fox ng apela sa BI para maidowngrade sa tourist visa at na maggagarantiyahan nito ang pananatili niya sa Pilipinas ng hanggang sa 59 na araw simula bukas.

Facebook Comments