Mister, boluntaryong sumuko matapos saksakin sa leeg ang kanyang Misis

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong sumuko ang isang mister sa alkalde ng Bayan ng Benito Soliven matapos nitong patayin sa saksak ang kanyang misis na isang OFW sa bansang Oman nang umuwi ito sa probinsya.

Kinilala ang suspek na si Melchor Baingan, 37 anyos, isang barangay tanod at residente ng Brgy. San Francisco, Benito Soliven, Isabela habang nakilala ang misis nito na si Mylene Baingan, 27anyos.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Baingan, matinding galit ang nagtulak sa kanya na patayin ang kanyang misis dahil sa nakikipaghiwalay umano ito.


Dagdag pa ng mister na noong Pebrero 2019 ay nagsimula ng hindi makipag ugnayan ang kanyang misis at napuno na ito ng galit kung kaya’t nagawa niya ang krimen.

Hindi umano nagsisisi ang suspek matapos niyang saksakin habang nakahiga ang kanyang misis sa kanilang tahanan sa Brgy. Dipusu, San Mariano, Isabela noong Nobyembre 14, 2019.

Sasampahan naman ng kasong Parricide ang suspek habang nasa kustodiya ngayon ni Mayor Lungan ng Benito Soliven.

Facebook Comments