Bago pumanaw ang isang ginang sa Malasiqui, Pangasinan, inireto muna nito ang kanyang maiiwang mister sa isa sa kanilang kaibigan na babae.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, Kay Reynaldo, taong 2022 nang pumanaw ang kanyang misis dahil sa cancer sa dugo.
Aniya noong nabubuhay pa ang kaniyang misis ay nabanggit nitong ligawan na lamang ang isa sa kaibigan nila na si Rizalyn sa oras na mabiyudo na ito.
Nang tuluyan nang pumanaw ang misis, nakaramdam ito ng kakulangan sa buhay at sinubukan na sundin ang nais ng kaniyang misis na ligawan ang kanyang kaibigan na si Rizalyn..
Noong una’y blinock pa umano siya ni Rizalyn sa social media dahil sa kakulitan nitong makibalita ngunit kalauna’y pumayag ito at naging magkasintahan na rin.
Hindi rin umano maiiwasan na makarinig ng opinyon mula sa ibang tao ukol sa kanilang umusbong na relasyon ngunit may basbas naman umano ng tatlong anak ni Reynaldo ang kanilang pagsasama at umaasang aalagaan nito ang kanilang ama gaya ng ginawa ng kanilang yumaong ina.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang paghahanda ng dalawa sa kanilang kasal na nagaganap sa susunod na buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨