Mister ng isa sa gurong namatay sa Texas school shooting incident, pumanaw sa labis na pagdadalamhati

128

Patay ang mister ng isa sa dalawang gurong nasawi dahil sa nangyaring pamamaril sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas.

Ayon sa mga kaanak, inatake ito sa puso dahil labis nitong dinamdam ang nangyari sa kaniyang asawa na si Irma Garcia.

Nabatid na 24 na taong ng mag-asawa ang dalawa, at mayroon silang apat na anak.


Kasama ni Irma na nasawi sa pamamaril ang co-teacher na si Eva Mireles.

Magkatabi lang ang kanilang classrooms nang pasukin ito ng 18-anyos na salarin na si Salvador Ramos, na napatay rin ng mga rumespondeng awtoridad.

Nasawi rin sa madugong krimen ang 19 na estudyante.



Ayon sa mga awtoridad, iniharang ni Irma at Eva ang kanilang sarili para protektahan ang kanilang mga estudyante.

Facebook Comments