Mister, Tinaga ng Kalaguyo ni Misis!

San Mariano, Isabela – Sugatan ang isang lalake matapos pagtatagain ng kalaguyo ng asawa kamakailan sa Brgy. Daragutan West, San Mariano, Isabela

Kinilala ang biktima na si Marlon Empleo, tatlumpu’tpitong taong gulang, may asawa, isang magsasaka, habang ang suspek ay si Angelito Palattao, nasa wastong taong gulang, may asawa, magsasaka at pwang mga residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na hinanap umano ng biktima ang asawa na si Joylyn Empleo matapos mapag-alamang may relasyon ito kay Palattao.


Nagsadya ang biktima sa bahay ng suspek at pinasok ang isang kwarto kung saan naaktuhang hubad at nagtatalik ang asawa nito at ang suspek.

Nagkaroon ng komprontasyon si Palattao at Empleo hanggang sa tinaga ng una ang kanang kamay ng biktima gamit ang isang itak.

Dinala sa San Mariano Community Hospital ang biktima para sa agarang lunas samantalang ang suspek ay nakakulong na sa PNP San Mariano at inihahanda na ang kaso laban dito.

Facebook Comments