Misteryong Kumakatok ng Pinto , kathang isip lamang?

117

Nangangamba ngayon ang ilang residente sa Cotabato City at mga kalapit bayan nito sa napapabalitang pagpaparamdam ng mga misteryosong nilalang sa dis-oras ng gabi.
Sinasabing nambubulabog ang mga ito sa pamamagitan ng pagkatok ng mga pinto ng mga kabahayan base na rin sa impormasyong nanakalap ng DXMY .
Kabilang sa mga lugar na di umanoy binulabog ng mga misteryosong indibidwal ang mga bahagi ng Baranggay Macaguiling at Limbo sa Sultan Kudarat Maguindanao ayon na rin sa panayam sa mga Baranggay Officials .
Samantala , umabot na rin umano ang pagbubulabog ng mga ito sa mga Baranggay ng Poblacion 9 at RH 10 sa Cotabato City.
Kagabi nagkaroon rin ng habulan sa pagitan ng mga Baranggay Officials, Tanod at taumbayan sa namataang nilalang ngunit palaisipan pa rin ang biglang paglaho ng mga ito sakaling mapaligiran na.
Karamihan sa mga nakaranas sa pagkatok ng mga pintuan ay mga residenteng nakatira sa liblib na bahagi ng barangay at karamihan ay nasa madamo at matubig na area.
Mahaba ang buhok, nakapantalon ngunit walang damit pan- itaas at tila punong-puno ng langis ang buong katawan ang mga namataang indibidwal base na rin sa deskripsyon ng mga nakakita.
Sa kabia ng takot na naidudulot nito, wala namang opisyal na report na nakakakarating sa kanilang mga himpilan ayon pa sa mga otoridad.


Facebook Comments