Miyembro ng Boratong drug syndicate, naaresto sa Pasig City

65

Hawak na ng Pasig City Police ang isang miyembro ng Boratong drug syndicate at nasa ika-9 sa listahan ng NCRPO Priority Data Base on Illegal Drug Personalities.

Kinilala ang suspek na si Cenon Roxas Intalan, 61-anyos at naaresto sa pinagsanib na buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit-EPD; District Intelligence Division-EPD at Regional Intelligence Unit -NCR sa 650 MRR St., Barangay Pineda sa Pasig City kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, buwan pa lamang nang matunugan ng pulisya ang illegal drug business ni Intalan kung saan ginagamit pa ang kaniyang bahay sa pot session ng kaniyang mga parokyano.

Natukoy rin ang suspek na isa sa “source” na nagsu-supply ng illegal drugs sa kanilang barangay.

Ang nahuling suspek din ang pumalit sa kaniyang kapatid na si Anthony Intalan na miyembro din ng Boratong Drug Group na nahuli na ng pulisya noong July.

Facebook Comments