Miyembro ng NPA na may kasong pagpatay, arestado sa Negros Occidental

107

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Isidro, Toboso, Negros Occidental.

Kinilala itong si Je Ariel Buhat, 33-anyos na hinuli ng mga pulis sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay.


Sa pag-iimbestiga ng PNP, natukoy na si Buhat ay miyembro ng NNF Platoon 1 na may code name “Ka Jongjong” o “Ka Jomak” na sangkot sa serye ng panggugulo,pangingikil at pagpatay sa tropa ng gobyerno sa northern part ng Negros Occidental.

Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng CIDG Negros Occidental ang suspek para sa proper disposition.

Facebook Comments