Miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Surigao Del Sur

169

Surigao Del Sur – Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakailan sa 36th Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Surigao Del Sur.

Ayon kay 36th IB, Philippine Army Commander LTC. Randolph Rojas, ang sumukong rebelde na si Eugene Maca alyas Ka Jumong, 24 anyos ay siyang Assistant Political Instructor at mahigit isang taon nang nasa kilusan sa ilalim ng Guerilla Front 21A sa NPA.


Bibit ni Ka Jumong sa kanyang pagsuko ang isang Ak47 at M203 na ayon sa kanya iniwan ito ng kanyang mga kasamahan.
DZXL558

Facebook Comments