
Binigyang-linaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sakop ng ipinatutupad na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ang bahagi ng Legarda sa Maynila.
Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan ay isinisigaw ng lalaki sa video ang NCAP sa mga nakaparadang mga jeep sa bike lane sa kahabaan ng kalsada ng Legarda.
Sinabi ng MMDA na umiiral ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa NCAP na ang siyudad ng Maynila ang may hurisdiksiyon sa nasabing kalsada.
Nananawagan din ang MMDA na maging responsable sa pagpo-post sa social media lalo na kung hindi na-check o na-verify ang mga impormasyon.
Facebook Comments