MMDA Chairman Danilo Lim, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma mismo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nagpositibo pa rin siya sa COVID -19.

Sa kaniyang Facebook page sinabi ni Lim na ipinapakita lamang nito kung gaano katindi ang COVID-19.

Nagpapasalamat naman si Lim dahil negatibo ang kaniyang asawa at anak sa virus.


Sa ngayon bagama’t mild symptoms lamang ang kaniyang nararamdaman ay patuloy niyang sinusunod ang payo ng doktor, kabilang na ang self- isolation.

Agad naman umano niyang sinabihan ang lahat ng mga taong may close contact sa kanya nitong nakaraang linggo na i-monitor ang kanilang mga sarili at mag self-isolate na nang 14 days.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang kaniyang pagtatrabaho remotely at via teleconference para matiyak na hindi maaantala ang anumang mga operasyon sa opisina na kailangan sa panahon ngayon.

Facebook Comments