MMDA General Manager Jojo Garcia, nagpositibo sa COVID-19; ilang opisyal ng MMDA, naka-self quarantine

36

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Jojo Garcia.

Mismong si MMDA GM Usec. Garcia ang nagkumpirma sa publiko na siya ang positibo sa COVID-19 makaraang matanggap ang resulta kahapon.


Hindi mataandaan ni Garcia kung saan siya nahawa o may nakasalamuha ng isang COVID-19 patients.

Pero, inihayag ngayon ng opisyal na naka self-quarantine na siya sa kanyang tahanan.

Bukod kay Garcia, naka-self isolation naman si MMDA Chairman Danilo Lim at MMDA Spokesman Celine Pialago.

Facebook Comments