MMDA General Manager Tim Orbos, humingi ng paumanhin sa publiko para sa mga MMDA enforcers na umaabuso sa kanilang tungkulin

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin sa publiko si MMDA General Manager Tim Orbos kung maraming mga MMDA Enforcer na umaabuso sa kanilang mga tungkulin dahil sa delayed ang mga sahod ng mga kawani ng MMDA.

Sa ginanap na Forum sa QC sinabi ni GM Orbos mahalaga na magkaroon sila ng Chairman na mayroon background sa military sa kataukan ni Chairman Danny Lim upang madisiplina ang mga abusadong empleyado ng ahensiya.

Aminado si GM Orbos na nahihirapan siya noon dahil dalawang posisyon ang kanyang ginagampanan bilang OIC at GM dahil mayroon din naman siyang sariling trabaho na dapat gampanan, kaya malaking tulong umano na mayroon nang Chairman.


Pinawi naman ni GM Orbos ang pangamba ng mga traffic enforcer at ilang empleyado ng MMDA na hindi sila mababayaran dahil bagamat matatagalan pa anya pero tiniyak nito na babayaran naman sila at huwag silang mag-alala dahil umutang na siya para pang-abono sa mga empleyadong hindi pa napasahod.
DZXL558

Facebook Comments