MMDA, ginawaran ng FOI Hall of Fame award ng PCOO

21

Ginawaran ng Freedom of Information (FOI) Hall of Fame award para sa taong 2021 ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Presidential Communication Operation Office (PCOO).

Tinanggap ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang nasabing award na ginawa kahapon sa isang malaking hotel sa Cebu City.

Ayon sa talumpati ni Abalos, ang nasabing award ay isang katibayan ng ahensya ng commitment nito para sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.


Maliban dito, ginawaran din ng top performing and requested agency ng magkakasunod na taon sa loob ng apat na taon.

Ang FOI award ay isang taonang event ng PCOO na may layuning kilalanin ang kontribusyon ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay sa pagsunod at pagtupad ng mga batas na nakapaloob sa FOI.

Facebook Comments