MMDA, hiniling sa IATF na ipagpaliban ang muling pagbubukas ng mga sinehan

38

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Task Force na ipagpaliban muna ang pagbabalik operasyon ng mga sinehan.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, tutol ang karamihan sa Metro Manila mayors sa rekomendasyon ng IATF na muling buksan na ang mga sinehan, oras na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR).


Gayunman, sakaling mailatag pa rin ang rekomendasyong ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at kaniyang aprubahan, gagawa na lamang ang mga Local Government Unit (LGU) ng mga patakaran dahil sila rin naman ang magpapatupad nito.

Facebook Comments