MMDA, magdaragdag ng mga ruta sa mga service bus ngayong araw

41

Magdaragdag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga ruta sa kanilang mga service bus ngayong ikalawang araw ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago, tugon ito sa lugar na maraming pasahero na naghihintay ng mga masasakyan sa maraming lugar sa Metro Manila.


Ilan sa mga bagong ruta ng MMDA ay ang Angat-Quezon Ave vice versa.

Ang Angat to Quezon Avenue ay tatawaging “Service Route” at meron din itong pamasahe na iaanunsyo naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung magkano ang sisingiling pamasahe sa mga pasahero nito.

Nasa 500 bus ang authorized na bumiyahe ngayong GCQ.

Facebook Comments