MMDA – magpapatupad ng stop-and-go scheme para sa closing ceremony ng SEA Games bukas

20

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng stop-and-go scheme bukas, December 11.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasara ng 30th SEA Games.


Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – alas 10:30 ng umaga inaasahang magche-checkout ang mga atleta at delegado sa mga hotel sa labas ng Metro Manila.

Dahil dito, inaasahang alas 2:00 ng hapon ay dumaan ang kanilang convoy sa EDSA at iba pang kalsadang apektado noon ng opening ceremony ng SEA Games.

Higit 2,000 MMDA personnel naman ang ide-deploy sa mga key areas hanggang December 13.

Facebook Comments

From Advertisers