MMDA, nagsagawa ng clearing operation sa Commonwealth, QC

165

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng mga tauhan ng MMDA ang mga sign board, motorsiklo at ibang sasakyang nakaharang sa sidewalk sa Litex sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay MMDA Supervising Officer for Operations Bong Nebrija – sapilitan nilang pinag-aalis ang mga sasakyan maging ang mga tricycle na nakahambalang sa dinaraanan ng mga tao.


Sinabi ni Nebrija, sa ikalimang clearing operations nila sa Commonwealth ay kumonti na ang mga natitiketan at nai-impound na sasakyan.

Nagpaalala naman ni MMDA Spokesperson Celine Pialago – huwag mag-iwan ng anak sa loob ng sasakyan na walang maayos na sirkulasyon ng hangin.

Siniguro ng MMDA na patuloy ang clearing operations sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila na layong maibsan ang pagbigat pa ng daloy ng trapiko.
DZXL558

Facebook Comments