MMDA, nanawagan sa mga kandidato na magkusa nang tanggalin ang mga campaign paraphernalia lalo na’t nasa transition na ng tag-ulan

Nanawagan ang Metropolitan Manila Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato nanalo man o natalo na magkusa nang tanggalin ang kanilang campaign materials na nagkalat sa mga poste at nakadikit sa mga pader.

Ayon sa MMDA, hindi pa nila lahat nahahakot ang mga campaign material na nakolekta sa loob ng dalawang araw.

Sa ngayon mahigit 11,000 kg na ang mga naipon tarpaulin at campaign paraphernalia at inaasahan pang madadagdagan ito ngayong araw.

Bukod pa rito, major concern din ng MMDA ang nalalapit na tag-ulan dahil nga nasa transition period na.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na maaring mag-cause ng baha ang mga tarpaulin kapag bumara ito sa mga kanal kung kaya’t hinihikayat nila ang mga kandidato na pangunahan na ang pagbabaklas.

Samantala, tiniyak naman ng MMDA na nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga local government unit (LGU) para sa mas mabilisang pagtatanggal ng mga campaign paraphernalias bilang pagsunod na rin sa mandato ng Commision on Elections (Comelec) dahil mayroon na lamang silang dalawang araw pa na natitira sa paglilinis nang mga kalsada.

Facebook Comments