MMDA, tiniyak na maayos ang kanilang pumping station ngayong panahon ng tagulan

39

Tiniyak ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago na maayos ang kanilang mga pumping station sa buong Metro Manila.

Kasunod ito ng pagbaha sa Gate 2 at Gate 3 ng Camp Aguinaldo, North Bound kahapon.


Aniya, mayroong 62 pumping station ang MMDA at lahat ito ay maayos at operational.

Pagdating naman sa mga drainage, sinabi nito na may mga baradong drainage pero tuloy-tuloy pa rin ang paglilinis sa mga ito.

Facebook Comments