MOA SIGNING SA PAGITAN NG BJMP ALAMINOS AT LGU ALAMINOS, ISINAGAWA

Isinagawa ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) on Livelihood for Persons Deprived of Liberty (PDL) sa pagitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Alaminos City, lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos at ng opisina ni 1st District Representative Arthur Celeste.
Ayon sa Congressman, naglalayon ang naging kasunduang ito na mabigyan ng prayoridad ang pagsulong ng karapatan at paunlarin ang kabuhayan ng lahat kasama ang mga person deprived of liberty.
Nilagdaan ang kasunduan nina Congressman Arthur F. Celeste, Mayor Arth Bryan Celeste, at BJMP- Regional Director Jolly C. Taguiam, Jr.

Nakisama rin sa aktibidad ang iba pang mga partner agencies ng naturang programa. |ifmnews
Facebook Comments