Mobile app para mabilis mahanap ang mga community pantries, dinevelop ng grupo ng mga volunteers

42

Isang grupo ng mga volunteer ang gumawa ng mobile application para mabilisang ma-locate ang mga community pantry sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ayon sa grupong Saan Yan PH, ang Community Pantry Finder na isang Android app ay pwede ng ma-download sa Google Play para makita ang 800 community pantries.


Aniya, kapag pinindot ang logo ng Google Map ay ipakikita nito ang direksiyon patungo sa pantry.

Makikita rin dito ang mga karagdagang impormasyon tulad ng contact person, address ng pantry, schedules, mga supplies na tatanggapin bilang donasyon o makukuha nang libre at iba pang may kinalaman sa mga community pantries.

Facebook Comments