Mobile app para sa prayer intentions, inilunsad ng Quiapo Church

19

Hinihimok ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang mga deboto na gamitin ang mobile application para sa kanilang prayer intentions.

Sa pamamagitan ng app, maihahatid ng mga tao ang kanilang debosyon sa Itim na Nazareno saanman sila naroroon sa panahon ng pandemya.

Magsisilbi rin itong gabay para sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo, Nobena para sa Itim na Nazareno, Via Crusis at Via Lusis at iba pang dasal.

Ang nasabing mobile app ay maaaring ma-download sa Google Playstore para sa Android at AppStore para sa iOS.

Nangako ang Quiapo Church na dadagdagan ang features ng naturang mobile app.

Facebook Comments