MOBILE COMPUTER TRUCK SA ASINGAN, MAGHAHATID NG LIBRENG KAALAMAN SA PAGGAMIT NG COMPUTER

Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong June 16 ay siya namang simula ng pagiikot ng isang solar-powered Mobile Computer Truck sa mga paaralan sa 21 barangays sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Naglalaman ng 14 na computer set ang mobile truck na gagamitin sa pagtuturo ng computer theory, MS Windows, MS Word, MS Excel at iba pa.

Layunin na libreng makapagbahagi ng kaalaman sa paggamit ng computer para sa modernisasyon ng edukasyon sa bayan.

Kaya naman huwag ng isipin ang pagbili ng computer, dagdag bayad sa kuryente, o pamasahe papuntang computer shops, dahil mismong Mobile Computer Truck sa Asingan ang lalapit at magbibigay ng libreng computer lessons. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments