Mobile number portability, isa nang ganap na batas

305

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mobile Number Portability Act o ang Republic Act number 11202.

Layon ng batas na mabigyan ng mas malawak na kalayaan ang consumer sa pagpili ng kanilang mobile service provider base sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangang magpalit ng mobile number.


Sa ilalim ng batas ay maaari naring lumipat ang mga subscriber sa kanilang mapiliping subscription o mula sa Postpaid patungo sa Prepaid o puwede din naman mula sa Prepaid patungo sa Postpaid nang hindi na kinakailangang magpalit din ng mobile number.

Hinihikayat din ng batas ang mga mobile service providers na isulong ang maayos na kompetisyon at magbigay ng mas magandang serbisyo sa kanilang mga subscriber o sa consumer.

Batay sa batas, hindi maaaaring tanggihan pigilan o huwag iproseso ng isang Public Telecommunications Entity (PTE) ang aplikasyon ng isang subscriber na gustong mag avail ng Mobile Number Portability o MNP at libre din ang serbisyo nito.

Libre din naman dapat na ibigay ng mga PTE ang sirbisyo ng pag-unlock ng mobile phone ng kanilang mga service providers na gustong mag avail ng MNP.

Inaatasan din naman nito ang mga PTE na pangalagaan ang privacy ng kanilang mga subscribers base narin sa mga nakasaad sa Data Privacy Act of 2012.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos itong mailabas sa official gazette o iba pang newspaper na mayroong general circulation at kailangang makabuo naman ng Implementing Rules and Regulations sa loob ng 90 araw upang maayos na maipatupad ang batas.

Facebook Comments

From Advertisers