Mocha Uson, inendorso ni PRRD bilang party-list representative

Manila, Philippines – Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson bilang party-list representative sa May 2019 elections.

Si Uson ay kilalang masugid na taga-suporta ng Pangulo, na naging first nominee ng *AA-Kasosyo part-list group.*

Ayon sa Pangulo – malapit sa masa si Uson kaya at nararapat lamang siya na iboto.


Tiniyak ng Pangulo na susuportahan niya si Uson lalo at sinuportahan siya nito noong kanyang presidential campaign noong 2016.

Nabatid na nagbitiw sa pwesto si Uson dahil sa paniniwalang inaantala ng ilang mambabatas ang pag-apruba ng budget ng PCOO.

Facebook Comments