Mocha Uson, nakatanggap ng award

Binigyan ng parangal ng University of Sto. Tomas (UST) Alumni Association ang Presidential Communications Assistant Secretary na si Margaux “Mocha” Uson para sa kanyang pagseserbisyo sa bayan.
Personal na tinanggap ni Mocha ang “Gawad Thomasian Alumni in Government Service” kahapon.
Sa kanyang blog post ay pinasalamat ni Mocha ang UST at sinabing kanya raw inaalay ang nasabing award sa kanyang ina at sa mga Pilipino.
May mensahe rin ang dating sexy singer sa kanyang mga bashers. Ayon kay Mocha, ang patuloy raw na pambabash ng mga ito sa kanya ay patunay lang na may freedom of expression pa rin daw sa ating bayan.
Si Mocha ay graduate ng Medical Technology sa UST.

Facebook Comments