Model na nambugbog ng traffic enforcer, nahaharap sa patong-patong na asunto

1465

Patong-patong na kaso ngayon ang isinampa sa isang model matapos na mambugbog ng isang traffic enforcer sa kahabaan ng Osmeña Highway corner San Andres Street, Malate, Manila.

Kinilala ang suspek na si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos, model at residente ng Tres Palmas, Taguig City.


Nahuli si Altamirano matapos nitong pilitin na tumawid kahit pula ang traffic light sakay ng kanyang Toyota Fortuner na may plakang NAX-2723.

Naharang si Altamirano ng traffic enforcer na si Marcos Anzures sa may bahagi ng Osmeña Highway at dito napagalaman na walang lisensya ang suspek.

Sa halip na sundin ni Altamirano ang utos na sumunod sa impounding area sa Maynila ay dito na pinagsasampal at binugbog ang traffic enforcer.

Bukod sa paglabag sa traffic ay kakasuhan na rin ang suspek ng direct assault.



Facebook Comments